Friday, October 29, 2004 @1:56 PM
Ayan nag pagala gala na naman ako sa mga blog.. at na pad pad ako sa blog ni Jajey, eh ang nka play na mp3 is Dance with my father.. Memories at maraming memories ang bumalik sa isipan ko..
Ang dami ko naalala sa song na ito.. naalala ko yon episode sa Boston Public about a girl and her father.. nakak touch yon episode na yon na iyak nga ako eh. Bigla ko naalala ang tatay ko.
Alam ko na sa kabila ng lahat ng nangyari sa family namin, wla akong magagawa dahil baliktarin ko man ang buong mundo walang mababago dahil siya pa rin ang tatay ko. Marami akong regrets at marami din akong mga tampo sa kanya pero wala na ring saysay ang lahat ng yon kasi tapos na eh.
Sana lang algaan nya ng husto yon kapatid namin na nasa kanya, wag sana saya ma gaya sa amin.
Mahirap ang mahiwalay sa mga magulang. At ang malamang kahit kailan hindi na mabubuo ang pamilya mo.